GOOD NEWS | Teaching at Non-Teaching Personnel, binigyang-pagkilala sa “Pugay Tanaw 2022” ng DepEd Tanauan City at ng Pamahalaang Lungsod ng Tanauan

GOOD NEWS | Teaching at Non-Teaching Personnel, binigyang-pagkilala sa “Pugay Tanaw 2022” ng DepEd Tanauan City at ng Pamahalaang Lungsod ng Tanauan
10 mga huwarang Teaching and Non-Teaching Personnel mula DepEd Tanauan City Schools Division Office ang kinilala sa ginanap na Pugay Tanaw 2022 nitong ika-29 ng Disyembre taong 2022.
Ang nasabing parangal ay taunang isinasagawa sa Lungsod ng Tanauan bilang pagkilala sa angking husay ng ating mga kawani sa implementasyon ng iba’t ibang programa batay sa pamantayang itinakda ng Kagawaran ng Edukasyon at kabilang na ang kanilang kontribusyon sa pagpapaunlad ng kinabukasan ng Kabataang Tanaueño.
Mula sa Pamahalaan ng Lungsod ng Tanauan sa pamumuno ni Mayor Sonny Perez Collantes, taos pusong pagbati po sa inyong lahat, Ma’am at Sir! Maraming salamat sa inyong ipinamalas na dedikasyon upang maghatid ng dekalidad, epektibo at huwarang serbisyong publiko para sa sektor ng edukasyon.
Previous Programa para sa kabataan, bibigyang prayoridad ni Mayor Sonny Perez Collantes katuwang ang Local Youth Development Council.

Leave Your Comment

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved