GOOD NEWS | Tanauan City’s Pride El Gamma Penumbra, itinanghal bilang World Class Performer of the Year!

GOOD NEWS | Tanauan City’s Pride El Gamma Penumbra, itinanghal bilang World Class Performer of the Year!
Nasungkit ng ating ipinagmamalaking El Gamma Penumbra ang World Class Performer Of The Year sa katatapos lamang na 2nd Diamond Excellence Awards 2022 na ginanap sa Okada, Manila nitong Ika-27 ng Setyembre na nilahukan ng iba pang talentadong mga Pilipino mula sa iba’t ibang larangan.
Mula sa buong pamunuan ng Pamahalaang Lungsod ng Tanauan sa pangunguna ni Mayor Sonny Perez Collantes, taos pusong pagbati po sa inyong lahat! Maraming salamat sa patuloy na pagtataas ng bandera ng ating Lungsod, lalo’t higit ng bansang Pilipinas sa buong mundo sa larangan ng sining at pagtatanghal.
Tulad ng isang diamante, kayo ang isa sa yamang hindi maikukubli ng ating lungsod! Nawa’y patuloy na magsilbing inspirasyon ang inyong husay, talento at dedikasyon para sa bawat mamamayang Tanaueño.
Previous 𝑷𝑹𝑬𝑺𝑬𝑵𝑻𝑨𝑻𝑰𝑶𝑵 𝑶𝑭 𝑪𝑰𝑻𝒀 𝑨𝑵𝑻𝑰-𝑫𝑹𝑼𝑮 𝑨𝑩𝑼𝑺𝑬 𝑪𝑶𝑼𝑵𝑪𝑰𝑳 (𝑪𝑨𝑫𝑨𝑪)

Leave Your Comment

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved