Kasama ang mga miyembro ng KALIPI ng Lungsod, nagkaroon sila ng pagpupulong kasama sina Mayor Sonny Perez Collantes at Pangulo ng Kababaihan ng Lungsod Atty. Cristine Collantes.
Inalam din nina Mayor Sonny at Atty. Cristine ang mga pangangailangan ng kanilang samahan tulad ng paghahatid ng Livelihood Program na layong mapabuti ang antas ng pamumuhay ng ating mga Tanaueña.