Talakayan hinggil sa GAD Focal Point System (GFPS) Functionality Tool, pinangunahan ng Pamahalaang Lungsod ng Tanauan at Philippine Commission on Women
Upang mas mapaigting ang pagpapatupad ng Gender and Development Programs sa bawat paaralan sa Lungsod ng Tanauan, isinagawa nitong Sabado, ika-20 ng Mayo ang pagpupulong hinggil sa GAD Focal Point System (GFPS) Functionality Tool para sa mga guro katuwang ang Pamahalaang Lungsod ng Tanauan sa pangunguna ni Mayor Sonny Perez Collantes at Philippine Commission on Women.
Kaugnay nito, nagsilbing resource speaker si District GAD Coordinator Ms. Mylene CamisoLayon upang maipaliwanag ang detalye patungkol sa functional mechanism ng mga GAD Programs sa pamamagitan ng policy making, planning, programming, budgeting, implementation, at proseso ng monitoring and evaluation alinsunod sa Magna Carta of Women at PCW Memorandum Circular 2011-01.
Samantala, nakiisa rin sa nasabing aktibidad si 3rd District Chief of Staff Atty. King Collantes na kinatawan ng ating Congresswoman Ma. Theresa “Maitet” V. Collantes upang magpaabot ng mensahe ng pagsuporta ng kanilang tanggapan patungkol sa mga programang kanilang isinusulong sa bawat paaralan.