Educational Assistance para sa mga Tanaueñong mag-aaral ng Brgy. Gozales, Wawa, at Janopol Occidental

TINGNAN | Educational Assistance, ipinaabot ni Mayor Sonny para sa mga Tanaueñong mag-aaral ng Brgy. Gozales, Wawa, at Janopol Occidental
Umabot sa kabuuang 1,318 mga mag-aaral mula Brgy. Gozales, Wawa, at Janopol Occidental ang personal na binigyan ni Mayor Sonny Perez Collantes ng Educational Assistance kahapon katuwang ang Barangay Affairs, City Treasury Office at mga kawani ng bawat Sangguniang Barangay.
Nakiisa rin sa aktibidad na ito si Congresswoman Ma. Theresa “Maitet” V. Collantes at ilang mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod na ating kabahagi sa malawak na paghahatid ng mga programa para sa sektor ng Edukasyon at para sa ating mga kababayan.
Habang alinsunod sa mandato ni Mayor Sonny na maghatid ng dekalidad na edukasyon, tuluy-tuloy ang pamamahagi ng Educational Assistance – dalawa kada pamilyang Tanaueño – sa iba pang mga barangay.
Previous Pakikiisa ng PA Alvarez Properties sa pagpapaigting at pagpapalawak ng mga Pagawaing Bayan sa Tanauan

Leave Your Comment

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved

Exit mobile version