Educational Assistance para sa mga mag-aaral mula Poblacion 1, 2, 3, 4, at 5, inihatid ng Pamahalaang Lungsod ngayong araw!

Umabot sa 2,930 na Tanaueñong mag-aaral mula Poblacion 1, 2, 3, 4, at 5 ang personal na binigyan ni Mayor Sonny Perez Collantes ng Educational Assistance  ngayong araw katuwang sina TCWCC Atty. Cristine Collantes, Atty. King Collantes at mga Barangay Affairs at City Treasury Office.

Kaisa rin sa pamamahagi nito sina Kon. Sam Torres Aquino Bengzon,Kon. BGEN L. Ben Corona, Kon. Dra Kristel Guelos at Kon. Eric Manglo. Bahagi ito ng layunin ni Mayor Sonny na mabigyan ng dekalidad na edukasyon ang bawat batang Tanaueño sa pamamagitan ng pagahhatid ng suportang pinansyal.

Bukod rito, alinsunod ang naturang programa sa mandato ni Mayor Sonny, na mabigyan ng educational scholarship ang dalawang mag-aaral kada pamilyang Tanaueño.

Previous Mayor Sonny Perez Collantes, nagpaabot ng tulong para sa mga residente ng Isla Verde!

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved

Exit mobile version