Mayor Sonny Perez Collantes, nagpaabot ng tulong para sa mga residente ng Isla Verde!

Katuwang ang Tanauan Local Social Welfare and Development, nagpaabot ng tulong ang ating Punong Lungsod Sonny Perez Collantes para sa mga residente ng Brgy. San Antonio Isla Verde sa Lungsod ng Batangas.

Ito ay bilang pakikiisa sa isinagawang Medical and Outreach Program ng iba’t ibang organisasyon at ahensya ng Region-4A bilang bahagi ng pagdiriwang ng araw ng mga puso.

Kabilang sa mga ipinaabot na tulong ng ating Lokal na Pamahalaan ay ang mga kahun-kahong Family Kits na may kasamang mga tsinelas para sa mga residente ng nasabing lugar.

Previous Educational Assistance para sa College Academic Scholar at SYDP Scholar, inihatid ng Pamahalaang Lungsod!

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved

Exit mobile version