Higit 600 mga Tanaueñong mag-aaral mula Altura South, Altura Matanda, at Altura Bata ang personal na binigyan ni Congresswoman Ma. Theresa “Maitet” V. Collantes bilang kinatawan ni Mayor Sonny Perez Collantes ng Educational Assistance ngayong araw katuwang ang mga Barangay Affairs at City Treasury Office.
Bahagi ito ng layunin ni Mayor Sonny na mabigyan ng dekalidad na edukasyon ang bawat batang Tanaueño sa pamamagitan ng paghahatid ng suportang pinansyal.
Bukod rito, alinsunod ang naturang programa sa mandato ni Mayor Sonny, na mabigyan ng educational scholarship ang dalawang mag-aaral sa kada pamilyang Tanaueño.