Educational Assistance para sa College Academic Scholar at SYDP Scholar, inihatid ng Pamahalaang Lungsod!

Mula sa inisyatibo ni Mayor Sonny Perez Collantes, muli nang sinimulan ngayong araw ang pagpapaabot ng educational assistance para sa 288 na Tanaueñong mag-aaral na bahagi ng ng College Academic Scholarship at Scholarship and Youth Development Program (SYDP).

Naging katuwang rin sa naturang pamamahagi sina TCWCC President Atty. Cristine Collantes na kumatawan kay Mayor Sonny, 3rd District Chief of Staff Atty. King Collantes at mga kawani ng Barangay Affairs Office-Tanauan City, Batangas, Batangas at City Treasury Office.

Ang nasabing programa ay patuloy na ipinaabot sa bawat mag-aaral sa Lungsod ng Tanauan upang masiguradong natutugunan ang pangangailangan ng ating mga Kabataang Tanaueño partikular na ang dekalidad na edukasyon.

Habang alinsunod sa mandato ni Mayor Sonny, sinimulan na rin kaninang hapon ang pamamahagi ng Educational Assistance – dalawa kada pamilyang Tanaueño – sa iba pang mga barangay.

Previous Local AICS para sa mga Tanaueño, ipinamahagi ni Mayor Sonny Perez Collantes!

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved