Educational Assistance, Mayor Sonny

Educational Assistance, ipinaabot ni Mayor Sonny para sa mga Tanaueñong mag-aaral ng Brgy. Cale at Sala!

Umabot sa kabuuang 1,221 na mga mag-aaral mula Brgy. Cale at Sala ang personal na binigyan ni Mayor Sonny Perez Collantes ng Educational Assistance kaninang hapon katuwang ang Barangay Affairs, City Treasury Office at mga miyembro ng kanilang Sangguniang Barangay.

Nakiisa rin sa aktibidad si Congw. Maitet Collantes na ating kabahagi sa malawak na paghahatid ng mga programa para sa sektor ng Edukasyon at para sa ating mga kababayan.

Habang alinsunod sa mandato ni Mayor Sonny na maghatid ng dekalidad na edukasyon, tuluy-tuloy ang pamamahagi ng Educational Assistance – dalawa kada pamilyang Tanaueño – sa iba pang mga barangay.

Previous Serbisyo Para kay Juana, inihatid ni Mayor Sonny para sa mga babaeng kawani ng Pamahalaang Lungsod!

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved

Exit mobile version