DSWD AICS para sa 812 na mga kababayan

DSWD AICS para sa 812 na mga kababayan, Tagumpay na ipinaabot ni Congresswoman Ma. Theresa “Maitet” V. Collantes katuwang ang Pamahalaang Lungsod ng Tanauan at iba pang bayan sa Ikatlong Distrito ng Batangas
Matagumpay ang pamamahagi ng tulong pinansyal para sa 812 na mga benipisyaryo ng Assistance for Individual in Crisis Situation (AICS) mula Ikatlong Distrito sa tulong ng ating butihing Congw. Maitet Collantes kasama si Punong Lungsod Sonny Perez Collantes at mga konsehal sa bawat bayan sa Ikatlong Distrito ng Batangas.
Ito ay inisyatibo ng Tanggapan ni Congw. Maitet upang matugunan ang pangangailangang medikal ng ating mga kababayang Tanaueño, lalo’t higit ng mga Batangueño sa Ikatlong Distrito katuwang ang Department of Social Welfare and Development.
Samantala, para sa iba pang nais mag-apply ng financial, medical at burial assistance sa Tanggapan ni Congw. Maitet Collantes, i-click lamang ang link na ito para sa iba pang detalye:
Habang para naman sa LOCAL AICS, bukas mula Lunes hanggang Biyernes ang Tanggapan ng mga Mamamayan ng Lungsod ng Tanauan para sa mga Tanaueñong nais humingi ng tulong mula sa ating Pamahalaan.
Previous HOUSING PROJECT NG PAMAHALAAN NG LUNGSOD NG TANAUAN, TULOY NA TULOY NA!

Leave Your Comment

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved