DepEd Teachers and Employees Credit Cooperative

DepEd Teachers and Employees Credit Cooperative, kaisa ng Pamahalaang Lungsod sa pagbibigay ng dekalidad na Edukasyon para sa mga kabataang Tanaueno!
Sa isinagawang DepEd TECC 3rd General Assembly, nakiisa ang ating Punong Lungsod Sonny Perez Collantes upang magpaabot ng mensahe hinggil sa kahalagahan ng kanilang kooperatiba.
Sa isang mensahe, binigyang pugay ni Mayor Sonny Perez Collantes ang husay at dedikasyon ng mga kaguruan sa Lungsod ng Tanauan. Bahagi rin nito ang patuloy na pagsusumikap ng ating Punong Lungsod upang pakinggan ang mga mungkahi at ideya ng kanilang samahan para sa pagpapabuti ng kanilang kabuhayan at pagpapaunlad sa sektor ng edukasyon.
Ang DepEd TECC ay isang samahan sa pampublikong Paaralan sa Lungsod, layunin nitong umagapay at makatulong sa mga Public Teachers para sa kanilang karagdagang kita.
Previous DOLE TUPAD Payout para sa mahigit 300 na mga Batangueño

Leave Your Comment

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved

Exit mobile version