Coconut Farmers General Asembly

Coconut Farmers General Asembly, isinagawa ngayong araw sa pangunguna ni Mayor Sonny Perez Collantes katuwang ang Tanggapan ng Panglungsod na Agrikultor!
Layunin ng nasabing programa na matalakay ang mga plano at programa ng Pamahaalang Lungsod upang mapaigting at mapaunlad pa ang pagniniyog sa Lungsod.
Tinalakay rin dito ang mga oportunidad at negosyo na papasukin ng Samahan ng Magniniyog ng Lungsod ng Tanauan upang madagdagan ang kita ng mga miyembro nito. Isa na rito ang pormal na pakikipag-partner ng nasabing asosasyon sa Magsasakang Tanaueno Agricultural Marketing Cooperative upang makapagproseso ng buko juice na gawa mismo sa Tanauan.
Bahagi rin sa pagpupulong na ito ang Provincial Manager ng PCA Batangas, G. Warren De Guzman at pangulo ng Samahan ng Magniniyog sa Lungsod ng Tanauan, G. Resty Onte.
Previous DepEd Teachers and Employees Credit Cooperative

Leave Your Comment

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved

Exit mobile version