“DepEd Night” para sa mga Guro sa Lungsod ng Tanauan, Tagumpay na inihatid ng ating Pamahalaang Lungsod ng Tanauan
Mula sa inisyatibo ni Local School Board Chair Mayor Sonny Perez Collantes at pakikipagtulungan ng DepEd Tanauan City at Community Affairs Office (Cao Tanauan) ay matagumpay na naisagawa kagabi, ika-17 ng Disyembre ang “DepEd Night” kung saan tampok ang mga talento ng ating mga guro mula sa mga pampublikong paaralan sa Lungsod.
Sa saliw ng mga kantang mula sa dekada ’70 hanggang sa kasalukuyan, makulay at masayang presentasyon ang inihanda ng ating mga butihing guro mula Tanauan North Central School sa pangunguna ng kanilang Punong Guro Maricel A. Malabanan at Cluster Supervisor Dr. Zenaida G. Rivera
Kabilang din sa nakiisa at nagpaabot ng suporta sa naturang aktibidad ay sina Schools Division Superintendent Mr. Rogelio F. Opulencia, ASDS Ms. Rhina O. Ilagan, Administrative Officer Mr. Jhun Jhun D. Lucero at MAPEH Supervisor Mr. Jhulius Ryan M. Quine
Bukod dito, binigyang-pagkilala rin ang husay at galing ng ating mga guro na katuwang ng Pamahalaang Lungsod sa paghahatid ng dekalidad na edukasyon para sa ating mga Kabataang Tanaueño.
Ilan lamang ito sa hakbangin ng ating Mayor Sonny at ng lokal na pamahalaan upang iparamdam ang diwa ng Kapaskuhan at pagpapahalaga sa ating mga guro na ating katuwang sa pagtataguyod ng ating Lungsod.