TINGNAN | Dokumento para sa Loteng pagtatayuan ng New Tanauan City Central Fire Station, pirmado na!
Alinsunod sa inisyatibo ni Mayor Sonny Perez Collantes na mabigyan ng maayos na pasilidad ang ating BFP Tanauan City, pormal nang pinirmahan ngayong araw ang Deed of Usufruct of Lot ng New Tanauan City Central Fire Station kasama ang mga kawani ng BFP sa pangunguna nina BFP Regional Director CSUPT JAIME DOLLENTE RAMIREZ, DSC, BFP Provincial Fire Marshal SUPT ORLANDO A ANTONIO at BFP Tanauan City CINSP ROWENA S RAMOS.
Sa pamamagitan ng dokumentong ito, magsisilbing donasyon ng Pamahalaang Lungsod ng Tanauan ang 2,000 sq.m. na lote na matatagpuan sa loob ng itatayong Sagip Pamilya Community Housing Project sa Brgy. Sambat.
Batay sa project overview na iniulat ni Bfp Riva TanauanCity Fs CINSP Rowena S Ramos, ang naturang lote ay pagtatayuan ng modern two-storey building na may floor area na 275 sq.m. tampok ang iba’t ibang pasilidad na kinakailangan ng ating mga Fire Marshall.
Ayon naman kay Mayor Sonny, pamamaraan ito ng lokal na pamahalaan upang mas mapabilis ang serbisyong publikong inihahatid ng ating mga partnered government agency tulad ng BFP alinsunod sa Republic Act 11589 o BFP Modernization Act. Kaniyang pinasalamatan din ang BFP sa mabilis na pagresponde nito sa bawat insidente ng sunog at sa pakikiisa nito sa sa “disaster response and economic expansion” sa Lungsod.
Samantala, nagsilbing saksi naman sa makasaysayang aktibidad si Congresswoman Ma. Theresa “Maitet” V. Collantes na katulong ng ating pamahalaang nasyunal sa paghahatid ng pondo at mga programa sa bawat lokal na pamahalaan sa ating distrito.