Bilang bahagi ng masayang pagdiriwang ng 23rd Tanauan Cityhood Anniversary, pinasinayaan nina Mayor Sonny Perez Collantes at Congresswoman Ma. Theresa “Maitet” V. Collantes ang ginanap na DepEd Night sa Plaza Mabini bilang pakikiisa ng DepEd Tanauan City sa pangunguna ni SDS Ms. Lourdes Bermudez CESO VI para sa Week-long Cityhood Celebration.
Sa mensahe ng ating Punong Lungsod Sonny Perez Collantes, kanyang ipinabatid ang kahalagahan ng DepEd Tanauan family sa paghubog ng mahuhusay na kabataan at magandang bukas ng Lungsod ng Tanauan.
Naging bahagi rito ang mga guro at mga mag-aaral mula sa 59 pribado at mga pampublikong paaralan. Nakiisa rin dito ang lahat ng mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod.