Maigting na operasyon para sa kaligtasan ng mga Tanaueño, tinalakay sa isang courtesy call kasama ang bagong Hepe ng Tanauan City Police Station!
Naging matagumpay ngayong araw ika-15 ng Disyembre ang ipinaabot na courtesy call ni PLTCOL John Ganit Rellian sa ating Punong Lungsod Sonny Perez Collantes upang talakayin ang epektibong Peace and Order Agenda na pagtutulungan ng Pamahalaang Lungsod at PNP Tanauan.
Nanindigan naman si Mayor Sonny na lagi siyang handang umagapay sa hanay ng mga kapulisan upang masiguro ang kapayapaan sa lungsod at kaligtasan ng mga Tanaueño, “Let’s work together towards safe and peaceful City of Tanauan”, aniya Mayor Sonny. Nagbigay pugay din ang bagong hepe kay Mayor Sonny dahil sa patuloy nitong pagsisikap na mabigyan ng ligtas na komunidad ang kanyang mga kababayan.
Samantala, nagpaabot din ng suporta sa naturang pulong sina Tanauan City Women’s Coordinating Council President Atty. Cristine Collantes, Civil Security Unit Chief Rizalino Pecayo, CDRRMO Chief/City Administrator Wilfredo Ablao at Liga ng mga Barangay President Isidro Fruelda.