Construction Development ng Sagip Pamilya Community Housing Project

TINGNAN | Upang mas mapadali ang pagsasakatuparan ng Sagip Pamilya Community Housing Project, tagumpay ang pagpupulong ng ating mga kawani mula Housing and Resettlement Office bilang kinatawan ni Mayor Sonny Perez Collantes sa pagitan ng Department of Human Settlements and Urban Development, Social Housing Finance Corporation at Bellavita Land Corporation para sa paunang konstruksyon nito.
Sa tulong nina DSHUD Dir. Atty. Jann Roby R. Otero, DHSUD Region IV-A Dir. Ronald Barcena, SFHCI Vice President for Settlement Management Group Mr. Philip Robert Flores at mga kawani ng Bellavita Land Corporation, pormal na ring naisumite ng Pamahalaang Lungsod ng Tanauan ang kaukulang dokumento para sa Site Development and Construction ng housing project na ito.
Matatandaan na nitong nakaraang Hunyo ay pormal nang naitatag ang Homeowners Association ng SPC Housing Project na binubuo ng ating mga target beneficiaries.
Habang pinirmahan na rin ni Mayor Sonny ang dokumento ng Site Development Plan nito at ongoing na rin ang pag-aasikaso ng mga dokumento para sa agarang pagtatayo ng housing project na magsislbing relocation site ng ating mga Tanaueñong nakatira sa disaster-prone areas.
Previous Pamamahagi ng Tulong Pinansiyal sa mga Tanaueño

Leave Your Comment

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved