City Development Full Council Meeting 2023

Pagpasok ng mga bagong Developers sa Tanauan; all time high budget proposal at Annual Investment Plan sa taong 2024, tinalakay sa City Development Full Council Meeting!
Para sa mas maunlad na lokal na ekonomiya ng Lungsod ng Tanauan, naging matagumpay ang isinagawang City Development Full Council Meeting ngayong araw kung saan naging sentro ang mga bagong development projects mula sa iba’t ibang kompanya.
Kabilang na rito ang mga aprubadong pag-endorso sa Sangguniang Panlungsod ng mga proyekto at land reclassification mula sa Eco Verde, Royal Forest Villas and resort, Premier Creative Packaging Inc, The Patio at Saratoga Hills, Taal Lake Country Club, Cumberland, Loyola Gardens, Nuvista Tanauan at First Philippine Industrial Park.
Samantala, ipinabatid din ni Mayor Sonny Perez Collantes na isa ito sa mga pangunahing hakbang tungo sa isang Business Friendly City. Tinalakay rin ang 2024 Annual Investment Plan kung saan naitala ang all time high budget para sa mas maraming programa at serbisyo para sa mga Tanaueño.
Pinangunahan ito ng ating Punong Lungsod Sonny Perez Collantes, City Administrator Wilfredo Ablao, City Planning Development Office, mga Department Managers, mga Punong Barangay at iba’t ibang developers.
Previous City Disaster Risk Reduction and Management Council Meeting

Leave Your Comment

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved