CDRRMO | Unang pagpupulong kasama ang kanilang bagong hepe

CDRRMO | Unang pagpupulong kasama ang kanilang bagong hepe
Naging matagumpay ang naging unang pagpupulong ng CDRRMO kasama ang ating butihing City Administrator Mr. Wilfredo Ablao na ngayon ay tumatayo bilang kanilang bagong hepe.
Alinsunod na rin sa direktiba ng ating Punong Lungsod Sonny Perez Collantes para sa kahandaan ng lungsod sa anumang panahon, inalam ng ating City Administrator ang mga pangangailangan ng naturang tanggapan para mas mabilis na pag-responde at epektibong mga operasyon.
Kabilang na rito ang madalas na inspeksyon sa mga supply at equipment, paghahandog ng karagdagang sasakyan para sa mga operasyon, pagsasaayos ng mga pasilidad, pagpapaigting ng maayos at mabilis na komunikasyon, bagong uniporme sa mga magigiting na responders at pagsisigurong sapat ang kanilang trainings at mga benepisyo.
Pormal namang nagpaalam ang kanilang dating hepe na si Mr. Arthur Lirio, naging matagumpay rin ang opsiyal na paglilipat ng mga plano at nagawa ng opisina sa ating City Administrator.
#CityGovernmentOfTanauan
#CDRRMO
#TanauanCity

Previous Bilang bahagi ng Rapid Damage Assessment and Needs Analysis (RDANA) ng Pamahalaan ng Lungsod ng Tanauan

Leave Your Comment

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved