Capacity Assessment Workshop ng Programang KALAHI
Isinagawa sa Tanauan City LGU ang capacity assessment workshop ng programang KALAHI (Kapit-Bisig Laban sa Kahirapan-Comprehensive and Integrated Delivery of Social Services) sa ilalim ng Department of Social Welfare and Development.
Ang nasabing aktibidad ay alinsunod sa pakikipag-ugnayan ni Mayor Sonny Perez Collantes sa DSWD at upang matalakay ang mga kinakailangang maisumiteng dokumento ng lokal na pamahalaan upang maihatid ang mga community-based projects and programs sa Lungsod.
Kabilang sa nakibahagi sa pagpupulong na ito ay mga kinatawan ng iba’t ibang tanggapan ng Pamahalaang Lungsod na magiging bahagi ng Barangay Development Council-Technical Working Group at tututok sa pagpaplano at implementasyon ng mga naturang program amula nasyunal na pamahalaan.