Birthday cash Gift sa mga Senior Citizen at Assistance for Individual in Crisis Situation

Birthday cash Gift sa mga Senior Citizen at Assistance for Individual in Crisis Situation, patuloy na ipinamamahagi!
Tuloy-tuloy na ipinamimigay ng Pamahalaang Lungsod sa pangunguna ni Mayor Sonny Perez Collantes kasama si Atty. Cristine Collantes ang Local Assistance for Individual in Crisis Situation sa ilalim ng programa ng DSWD katuwang ang ating City Treasurer’s Office.
Kasabay nito, naipamigay rin sa ating mga Senior Citizen ang kanilang Birthday Cash gift ng Pamahalaang Lungsod at Cash incentive para naman sa may mga edad na 85 pataas.
Ang nasabing pamamahagi ay lingguhang isinasagawa sa New Tanauan CIty Hall kung saan mabilis nang nakukuha ng ating mga kababayan ang handog na tulong pinansyal para sa kanilang mga pangangailangan gaya ng pagpapagamot at pagpapaospital kabilang ang burial assitance.
Bukas naman mula Lunes hanggang Biyernes ang Tanggapan ng mga Mamamayan para sa mga kababayan nating nagnanais makahingi ng tulong mula sa Pamahalaan ng Lungsod ng Tanauan.
By: Fash
Previous Pamahalaan ng Lungsod ng Tanauan, nagsagawa ng pagsasanay para sa mga magsasaka

Leave Your Comment

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved

Exit mobile version