Ngayong araw ay binigyang katuparan ng ating Punong Lungsod Sonny Perez Collantes kasama si Atty. King Collantes ang kahilingan ng ating mga kapulisan at BFP Tanauan City para sa karagdagang Rescue Equipments para sa kanilang mga operasyon.
Kabilang sa mga naipamahagi ay ang heavy duty chainsaw, portable generator set, hydraulic bolt cutter, crocodile jack, utility ropes, fire hose, megaphones at iba pang mga pangunahing kagamitan para sa mga rescue operations at fire incidents.
Kasabay nito ang pasasalamat ng ating Punong Lungsod sa ating mga magigiting na bumbero at pulis para sa kanilang sakripisyo na paigtingin ang kaayusan at kapayapaan sa Lungsod ng Tanauan.
Naging posible rin ang nasabing aktibidad sa pakikipagtulungan sa CDRRMO sa pangunguna ni City Administrator Wilfredo Ablao para sa pagpapalawig ng mga programa para sa mabilis at agarang aksyon sa seguridad ng ating mga kababayan.