Barangay Information Officers and City Information Correspondents Strategic Planning and General Assembly
Para sa mas malawakang paghahatid-impormasyon sa Lungsod ng Tanauan, pinangunahan ni Mayor Sonny Perez Collantes katuwang ang City Information Office ang Barangay Information Officers and City Information Correspondents Strategic Planning and General Assembly na layong maihatid at mailapit ang tamang impormasyon patungkol sa mga kaganapan, anunsyo at programang kinakailangan ng mga Tanaueรฑo gamit ang social media platforms.
Ayon kay Mayor Sonny, isang mahalagang estratehiya sa ating Lungsod ang pagkakaroon ng BIO at CIC upang malaman rin ang kinakailangang programa at proyekto ng bawat sektor 48 Barangay sa Lungsod. Aniya, Bukod dito, nakatutulong rin ang bawat isa sa pagsugpo at paglaganap ng fake news sa social media.
Kabilang din sa nakibahagi sa programa si Congresswoman Ma. Theresa “Maitet” V. Collantes na kaisa ng lokal na pamahalaan sa pagbababa ng mga serbisyo para sa bawat barangay sa Lungsod at sa Ikatlong Distrito ng Batangas.
Samantala, binigyang-pagkilala ang mga masisipag na City Information Correspondents na kaisa ng City Information Office sa paghahatid ng mga kinakailangang impormasyon, anunsyo at mga programa ng bawat tanggapan ng Pamahalaang Lungsod.