Basic Sewer’s Training para sa mga Tanaueña

𝐁𝐚𝐬𝐢𝐜 𝐒𝐞𝐰𝐞𝐫’𝐬 𝐓𝐫𝐚𝐢𝐧𝐢𝐧𝐠, 𝐢𝐧𝐢𝐡𝐚𝐭𝐢𝐝 𝐩𝐚𝐫𝐚 𝐬𝐚 𝐦𝐠𝐚 𝐓𝐚𝐧𝐚𝐮𝐞ñ𝐚 𝐧𝐠 𝐁𝐫𝐠𝐲. 𝐌𝐚𝐥𝐚𝐤𝐢𝐧𝐠 𝐏𝐮𝐥𝐨!

Kasalukuyang isinagawa ngayong linggo ang Basic Sewer’s Training para sa mga kababaihan sa Brgy. Malaking Pulo, kaugnay sa pagpapaigting ng mga programang pangkababaihan,

Inihatid ito nina Mayor Sonny Perez Collantes at TCWCC President Atty. Cristine Collantes, katuwang ang Tanauan CCLDO at Barang Women’s Coordinating Council sa pamumuno ni Mrs. Elizabeth Garcia katuwang ang Sangguniang Barangay ng Malaking Pulo sa pamumuno ni Kap. Adrian Garcia.

Ang nasabing programa ay hatid ng lokal na pamahalaan upang matulungan ang ating mga kababaihan na magkaroon ng kasanayan at pagkakakitaan sa pamamagitan ng sustainable livelihood programs na isinusulong ng Tanauan City Coordinating Council.

Previous Pagbabaka sa Tanauan: Pinauunlad ni Mayor Sonny Collantes!

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved

Exit mobile version