Barangay Pantay Bata and Team KABSAT/ MPBL All Star Exhibition Game!

 

Isinagawa ng Sangguniang Barangay ng Pantay Bata sa pamumuno ni Kap. Mike Manalo kasama sina Mayor Sonny Perez Collantes at City Administrator Mr. Wilfredo Dodong Ablao ang Exhibition Game ng koponan All Star at manlalaro mula nasabing Barangay.

Ang naturang laro ay ginanap sa Pantay Bata Gymnasium kung saan present ang mga kilalang personalidad mula sa koponan ng MPBL All Star/ KABSAT kabilang sina Mark Anthony Andaya at Kapamilya Actor Ronnie Alonte.

Kasabay nito ang mensahe ni Mayor Sonny Perez Collantes upang bigyan ng mainit na pagtanggap ang lahat ng mga kalahok — at pasalamatan ang pamunuan ng Pantay Bata dahil sa pagsulong nito na mabigyan ng suporta ang mga manlalaro at atleta ng Lungsod.

 

Previous Espesyal na programa para sa mga PWD ng Lungsod ng Tanauan

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved

Exit mobile version