Espesyal na programa para sa mga PWD ng Lungsod ng Tanauan

Free Hearing Assessment at Free Hearing Aids para sa mga PWD sa Lungsod ng Tanauan!

Espesyal na programa ang handog ni Mayor Sonny Perez Collantes katuwang sina Congresswoman Ma. Theresa “Maitet” V. Collantes at Atty. Cristine Collantes para sa mga PWDs ng Lungsod ng Tanauan.

Sa pamamagitan ng PWD Mega Community Project Partnership na inilunsad ng Pdao Tanauan sa pamumuno ni Mr. Alex Lanting katuwang ang Alpha Phi Omega Fraternity, nagsagawa ng Free Hearing Assessment and Free Hearing Aids para sa kanilang sektor.

Layunin nito na patuloy ang pangangalaga sa may mga kapansanan at karamdaman upang maiparamdam sa kanila na palaging kaagapay ang Pamahalaang Lungsod para sa kanilang mga pangunahing pangangailangan.

Previous 𝐆𝐞𝐧𝐝𝐞𝐫 𝐑𝐞𝐬𝐩𝐨𝐧𝐬𝐢𝐯𝐞 𝐂𝐨𝐧𝐬𝐮𝐥𝐭𝐚𝐭𝐢𝐯𝐞 𝐃𝐢𝐚𝐥𝐨𝐠𝐮𝐞 𝐩𝐚𝐫𝐚 𝐬𝐚 𝐤𝐚𝐛𝐚𝐛𝐚𝐢𝐡𝐚𝐧 𝐧𝐠 𝐔𝐥𝐚𝐧𝐠𝐨

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved

Exit mobile version