Banal na Misa para sa unang Biyernes ng taong 2023
Dinaluhan ng mga kawani ng Pamahalaang Lungsod ng Tanauan ang matagumpay na idinaos na misa para sa unang Biyernes ng buwan ng Enero sa harapan ng New Tanauan City Hall, ngayong umaga ika-06 ng Enero, 2023.
Ito ay pinangunahan ni Fr. Richard Abel Hernandez mula sa Queen of All Saints Parish, Brgy. Balele kung saan naging laman ng misa ang kahalagahan ng muling pag-alala sa pagbautismo ni Juan sa ating Panginoong Hesu Kristo at ang kaakibat nitong mahalagang turo ng pagkakaroon ng pusong mapagkumbaba.
Ang banal na misa ay bahagi ng regular na aktibidad ng City Government of Tanauan sa pangunguna ng ating Punong Lungsod Sonny Perez Collantes katuwang ang Office of the Secretariat at Human Resource Management and Development Office upang magpasalamat sa Poong Maykapal sa patuloy na paggabay nito sa lahat ng mga kawani na nagseserbisyo at naglilingkod sa ating mga kababayan.