Bagong School Building ng Paaralang Sentral ng Talaga, ipinaabot nina Mayor

Bagong School Building ng Paaralang Sentral ng Talaga, ipinaabot nina Mayor Sonny Perez Collantes at Congresswoman Ma. Theresa “Maitet” V. Collantes!

Pinangunahan ngayong araw ni Mayor Sonny Perez Collantes ang matagumpay na blessing and turn over ng bagong school building para sa Paaralang Sentral ng Talaga ngayong araw.

Ang two-storey, six classrooms na school building ay isa sa mga school buildings na kasalukuyang ipinatatayo sa Lungsod ng Tanauan mula sa inisyatibo ni Mayor Sonny Perez Collantes sa pamamagitan ng Special Education Fund.

Habang nakiisa rin ang tanggapan ng ating Congresswoman Ma. Theresa “Maitet” V. Collantes na patuloy na sumusuporta sa sektor ng Edukasyon at layong mabigyan ng maayos na pasilidad ang ating mga mag-aaral na Tanaueño.

Samantala, kabilang rin sa nakiisa sa nasabing aktibidad ay ang pamunuan at kawani ng Paaralang Sentral ng Talaga sa pangunguna ni Mr. Rodel G. Bejarin, Sangguniang Barangay ng Talaga sa pamumuno ni Kap. Rico Talagsad at School Division Superintendent Ms. Lourdes Bermudez CESO VI.

Previous Tulong Pinansyal, ipinaabot para sa mga Magsasakang Tanaueño na namatayan ng Livestocks!

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved

Exit mobile version