Bagong School Building ng Bagumbayan Elementary School, ipinaabot ni Mayor Sonny Perez Collantes!

Alinsunod sa patuloy na suporta sa sektor ng Edukasyon, pinangunahan ni Mayor Sonny Perez Collantes ang matagumpay na blessing and turn-over ceremony ng bagong school building para sa Bagumbayan Elementary School kasama sina Congresswoman Ma. Theresa “Maitet” V. Collantes at TCWCC President Atty. Cristine Collantes.

Ang aktibidad na ito ay dinaluhan rin nina School Division Superintendent Ms. Lourdes P. Bermudez, DepEd Regional Director Atty. Alberto T. Escobarte, Punong Barangay Kap. Roberto Magtibay, mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod na sina Kon. Ben Corona, Kon. Dra. Kristel Guelos, Kon. Czylene Marqueses at Kon. Eric Manglo kasama ang mga guro ng naturang paaralan sa pangunguna ni School Principal Ms. Rebelyn Cabral at mga mag-aaral.

Ang Two-storey, 10 classrooms na school building ay isa sa mga school buildings na kasalukuyang ipinatatayo sa Lungsod ng Tanauan mula sa inisyatibo ni Mayor Sonny sa pamamagitan ng Special Education Fund na layong bigyan ng maayos na pasilidad ang ating mga mag-aaral na Tanaueño.

Sa kasalukuyan, ang pasilidad na ito ay mayroon na ring glass boards at arm chairs na maaari nang magamit ng mga mag-aaral ngayong Taong Panuruan.
Previous Mga serbisyo at programang inihatid para sa ating mga kabataan, kababaihan at mga Migrant Workers, bahagi ng L/BCPC 1st Quarterly Meeting!

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved

Exit mobile version