DSWD AICS para sa higit 2,000 na mga kababayan, Tagumpay na ipinaabot ni Congresswoman Ma. Theresa “Maitet” V. Collantes katuwang ang Pamahalaang Lungsod ng Tanauan

DSWD AICS para sa higit 2,000 na mga kababayan, Tagumpay na ipinaabot ni Congresswoman Ma. Theresa “Maitet” V. Collantes katuwang ang Pamahalaang Lungsod ng Tanauan at iba pang bayan sa Ikatlong Distrito ng Batangas
Tagumpay ang pamamahagi ng tulong pinansyal sa ilalim ng programang Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) ng Department of Social Welfare and Development na inihatid nig Tanggapan ni Congsw. Maitet Collantes para sa higit 2,000 na mga kababayan sa Ikatlong Distrito kabilang na ang Lungsod ng Tanauan.
Nakiisa rin sa naturang pamamahagi ngayong araw sa Brgy. Bagumbayan, Tanauan City ang ating Punong Lungsod Sonny Perez Collantes kasama sina Atty. King Collantes, Tanauan City Women’s Coordinating Council President Atty. Cristine Collantes, Mataas na Kahoy Councilor Francia Dagook, at Brgy. Bagumbayan Chairman Cesar Magpantay.
Ito ay inisyatibo ng Tanggapan ni Congw. Maitet upang matugunan ang pangangailangang medikal ng ating mga kababayang Tanaueño, lalo’t higit ng mga Batangueño sa Ikatlong Distrito katuwang ang Department of Social Welfare and Development.
Samantala, para sa iba pang nais mag-apply ng financial, medical at burial assistance sa Tanggapan ni Congw. Maitet Collantes, i-click lamang ang link na ito para sa iba pang detalye:
Habang para naman sa LOCAL AICS, bukas mula Lunes hanggang Biyernes ang Tanggapan ng mga Mamamayan ng Lungsod ng Tanauan para sa mga Tanaueñong nais humingi ng tulong mula sa ating Pamahalaan.
Previous Tanggapan ng mga Mamamayan, patuloy ang pamamahagi ng Pamaskong Handog sa iba’t ibang sektor sa Lungsod!

Leave Your Comment

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved