International Multi-Awarded Artist, magiging katuwang ni Mayor Sonny Perez Collantes para sa pagpapaunlad ng Kultura at Sining sa ating Lungsod!
Mula sa adhikain ng ating Punong Lungsod Sonny Perez Collantes na mapaunlad ang Kultura at Sining ng ating Lungsod, patuloy ang pakikipag-ugnayan at pakikipagtulungan ng mga alagad ng sining sa ating Bansa upang maipakilala at mabigyang suporta ang mga Local Artists sa Tanauan.
Kaya ngayong araw ay matagumpay na naisagawa ang Unveiling Ceremony of the Masterpiece ng International Multi-awarded Artist Allanrey “Migz” Salazar para sa hinandog nitong pinta sa ating Lungsod na pinangunahan ng ating butihing Mayor Sonny, katuwang ang Community Affairs Office (CAO).
Kasabay nito ang Signing ng Deeds of Donation bilang pormal na pagkilala sa natatanging obra ni Migz Salazar na “Firmus in the Brink of Ruin” na simbolo ng pakikipag-ugnayan ng lokal na pamahalaan sa isa sa mga batikang pintor tungo sa pangangalaga at pagsuporta sa mga likhang sining ng ating mga Tanaueño.
Naging bahagi rin nito sina Congresswoman Maitet Collantes, Committee Chair on Tourism, Culture, and Historical Archives Kon. Sam Torres Aquino Bengzon, at mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod na sina Kon. Eric Manglo, Kon. Eugene Yson, Kon. Ben Corona, Kon. Dra. Kristel Guelos at Kon. Herman De Sagun na kaisa ng ating mga kababayan sa pagsusulong ng Kultura at Sining sa Tanauan.
Dinaluhan din ng isa sa mga miyembro ng Tanauan City Tourism Council na si Mr. Rex Quimio ang nasabing aktibidad bilang bahagi ng kanilang adbokasiyang bumuo ng mga programang magpapakilala sa husay ng ating mga Local Artists sa ating Lalawigan at sa buong Bansa.
Samantala, nabigyang-pagkakataon naman para magpaabot ng mensahe ang ating mga Local Artists na sina Tanaw de Pinta President Jenina Sansico, Mafe Varon at Mr. Charles Rivera kung saan magiging katuwang ng ating Punong Lungsod sa paglikha ng mga aktibidad na hihikayat sa bawat Tanaueño na pagyabungin ang kanilang husay at talento sa larangan ng pagpipinta.