LGBTQIA+ Community, Suportado sa Lungsod ng Tanauan!
Sa pangunguna ni Mayor Sonny Perez Collantes at ng LGBTQIA+KISLAP, tagumpay ang isinagawang Christmas Party, Gift Giving, at Talent Show para sa ating mga kababayang miyembro ng LGBTQIA+ community, kahapon, ika-11 ng Disyembre sa Tanauan Institute.
Bukod sa makulay na presentasyon ay nagpakitang-gilas din ng kani-kanilang talento ang mga miyembro LGBTQIA+KISLAP kasama na ang Pangulo ng Samahan na si Mx. Jomar Suangco.
Habang sa mensahe ng ating Punong Lungsod, binigyang-diin niya ang pagsuporta at pagprotekta sa karapatan ng sektor ng LGBTQIA+ na layuning magbukas ng oportunidad upang maipakilala ang kanilang natatanging kakayahan, talento at husay sa ating lipunan. Kaniyang pinasalamat din ang mga ito sa sa patuloy na pakikipagtulungan ng LGBTQIA+ at ng kanilang organisasyon sa paghahatid ng iba’t ibang programa para sa ating Lungsod.
Kabilang din sa nakiisa sina Congresswoman Ma. Theresa “Maitet” V. Collantes at Tanauan City Women’s Coordinating Council Atty. Cristine Collantes na personal na nagpaabot ng kanilang pagbati at pasasalamat sa suportang ibinibigay ng kanilang sektor sa bawat proyektong ibinababa ng lokal na pamahalaan para sa lahat ng ating mga kababayan.
Kasama rin sa mga dumalo sa naturang aktibidad ay sina Board Member Fred Corona, City Administrator Mr. Wilfredo Ablao, Batangas 3rd Dist. LGBTQ President Redford Barrientos, at mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod.
Mula sa Pamahalaang Lungsod ng Tanauan, pagbati ng isang Maligayang Pasko at Manigong Bagong Taon para sa lahat ng miyembro ng LGBTQIA+ community!