SAGIP PAMILYA COMMUNITY PARA SA MGA TANAUEÑO, KASADO NA SA LUNGSOD NG TANAUAN!

SAGIP PAMILYA COMMUNITY PARA SA MGA TANAUEÑO, KASADO NA SA LUNGSOD NG TANAUAN!
KASADO na ang Sagip Pamilya Community Housing Project ng Pamahalaang Lungsod ng Tanauan matapos matagumpay na naisagawa ngayong araw ang Signing of Memorandum of Understanding at “Groundbreaking Ceremony” sa pangunguna ng ating butihing Punong Lungsod Sonny Perez Collantes at Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) Secretary Jose Rizalino “Jerry” L. Acuzar kasama nina DHSUD Undersecretary Gary De Guzman, Congresswoman Ma. Theresa “Maitet” V. Collantes, Social Housing Finance Corporation President Mr. Federico A. Laxa, Pag-IBIG Fund (HDMF) CEO Ms. Marilene Acosta, National Home Mortgage Finance Corporation (NHMFC) President Mr. Renato Tobias at Vice Mayor Atty. Jun-Jun Trinidad.
Ang proyektong pabahay na ito ay mula sa inistayibo ni Mayor Sonny at pakikipag-ugnayan sa DHSUD upang mabigyan ng pagkakataon ang mga maliliit nating kababayan na magkaroon ng maayos at disenteng tirahan. Isa rin ito sa hakbang ng ating Punong Lungsod upang matulungan ang mga Tanaueño na namamalagi sa mga disaster prone areas o mga lugar na lubos na napipinsala sa panahon ng kalamidad.
Kaugnay nito, isa ang Lungsod ng Tanauan sa kauna-unahan benepisyaryo sa Lalalwigan ng Batangas ng “Pambansang Pabahay Program” ni Pangulong Bongbong Marcos at ng DHSUD kung saan misyon nitong makapagtayo ng 1 milyon na bahay kada taon para sa mga pamilyang Pilipino.
Itatayo ang naturang proyekto sa Brgy. Sambat na malapit sa New Tanauan City Hall, Downtown, Trading Post at STAR Tollway kung saan maraming oportunidad ang nakapalibot dito para sa maayos na hanapbuhay ng ating mga kababayan.
Ang tagumpay na seremonya ay dinaluhan din ng mga iba pang opisyal mula sa DHSUD na sina USEC Samuel Young, USEC Avelino Tolentino, ASEC Krzndzzi De leon; National Housing Authority (NHA) General Manager Mr. Joeben Tai; Bokal Fred Corona; mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod, ABC President Mr. Rannie Fruelda; SK President John Kennedy; CINSP. Rowena Ramos (BFP TANAUAN); Tanauan City Schools Division Representative Mr. Edgar M. Brinas; Representative for Economic Development Council Mr. Arsenic Laurel at Carlos Laurel; Mga Kapitan ng mga barangay at mga department managers ng Pamahalaang Lungsod.
Samantala, lubos naman ang pasasalamat ng mga pamilyang nasa hanay ng informal settlers sa iba’t ibang barangay sa lungsod para sa pakikinig ni Mayor Sonny sa kanilang mga hinaing at pagtupad sa pangarap nila na magkaroon ng sariling tahanan sa Tanauan.
Previous Congratulations at Best Wishes sa ating mga bagong kasal!

Leave Your Comment

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved