DOLE TUPAD Payout para sa 1,562 na mga Tanaueño

DOLE TUPAD Payout para sa 1,562 na mga Tanaueño, tagumpay na naipamahagi ng Pamahalaang Lungsod at ni Congresswoman Ma. Theresa “Maitet” V. Collantes
Umabot sa 1,562 na mga Tanaueno ang kasalukuyang nakapag-payout sa ilalim ng programang DOLE TUPAD na inihatid ng Tanggapan ni Congw. Maitet Collantes at ng Department of Labor and Employment – DOLE, katuwang ang City Government of Tanauan sa pangunguna ni Mayor Sonny Perez Collantes.
Sa pamamagitan ng programang ito ay nabigyan ng pansamantalang hanapbuhay ang ating mga kababayang nawalan ng pagkakakitaan dulot ng pandemya. Sila rin ay kabahagi ng lokal na pamahalaan upang mapanatiling malinis ang kapaligiran ng ating Lungsod.
Para makasali sa programang TUPAD, maaaring makipag-ugnayan sa Tanggapan ni Congw. Maitet Collantes at sa ating mga barangay coordinators sa Lungsod ng Tanauan.
Previous Muling pinulong ng ating Punong Lungsod Sonny Perez Collantes ang mga kapitan ngayong araw

Leave Your Comment

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved