07 NOVEMBER 2022 | TANAUAN CITY’S 16TH FLAG CEREMONY

07 NOVEMBER 2022 | TANAUAN CITY’S 16TH FLAG CEREMONY
Sa unang regular na Pagtataasa ng Watawat ng Pilipinas ngyong buwan ng Nobyembre, malugod na ibinahagi ng ating Punomg Lungsod Sonny Perez Collantes ang kaniyang pakikiisa sa ika-63 na taong anibersaryo ng kamatayan ng ating bayani at dating Pangulong Jose P. Laurel, kahapon ika-06 ng Nobyembre.
Habang masayang ininbitahan ng ating Alkalde ang lahat ng mga kawani at lahat ng ating mga kababayan sa gaganapin na Christmas Tree Lighting sa Plaza Mabini sa darating na Sabado, ika-12 ng Nobyembre.
Tagumpay rin nan ai-turn over ngayong araw ang isang brand new medium-sized dump truck na magagamit ng ating lokal na pamahalaan para sa pagpapaigting ng koleksyon ng basura sa Lungsod.
Samantala, bilang pakikiisa sa National Children’s Month, pinangunahanan naman ni SK Federation President John Kennedy Macalindong ang Panatang Makabata na layuning protektahan at kilalanin ang karapatan ng ating mga Kabataan sa ating lipunan.
Bukod dito, binigyang-pagkilala rin ni Mayor Sonny ang lahat ng Kabataang Tanauenong nagpamalas ng kani-kanilang galing at talento mula sa larangan ng sining at sports, kabilang dito ay sina:
SMP (Samahan ng Manlalangoy ng Pilipinas) LEAGUE
• Zyrille Maxinne Garcia
• Sean Sonido
• Marc Tenioso
• Sophia Sonido
• Allyssa Morte
• ilaire kristiane Libat
• Kisses Kristine Gynneth Libat
SKATE PHILIPPINES CHAMPIONSHIP ISI ASIA
• Michaela Paulette Nones Domantay – Gold Medalist
NATIONAL BASKETBALL LEAGUE
• Tanauan City Warriors Basketball Team – Champion
IT’S SHOWTIME TAWAG NG TANGHALAN
• Jezza Quioge – Semi-Finalist
Kinilala rin ni Mayor Sonny ang katapatan ng isa na naman nating kawani mula City Disaster Risk Reduction Management Office (CDRRMO) na si Jacob Bermudo na nakapulot ng smartphone sa parking ng UltraMega habang kaniyang ginagampanan ang tungkulin sa ating Pamahalaang Lungsod.
Previous Mga Bago at mga Promoted na Guro ng Tanauan City Schools Division Office para sa buwan ng Nobyembre

Leave Your Comment

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved