3-Day Seminar-Workshop para sa pagbuo at pagpapatibay ng Local and Barangay Council for the Protection of Children (L/BCPC), Tagumpay ngayong araw!
Sa pangunguna ni Local Council for the Protection of Children Chair Mayor Sonny Perez Collantes, matagumpay na naisinagawa ang Seminar-Workshop para sa pagpapatibay at pagpapalakas ng Local at Barangay Council for the Protection of Children (L/BCPC) ng Lungsod ng Tanauan.
Kabilang sa mga dumalo rito ay sina Congresswoman Ma. Theresa “Maitet” V. Collantes, City Administrator Mr. Wilfredo Ablao, Tanauan City Women’s Coordinating Council President Atty. Cristine Collantes at 175 na mga kawani ng pamahalaang lungsod, kabilang na ang barangay functionaries.
Bahagi rin ng programa ang pagbubuo ng Child Protection Policy at pagaamyenda ng Children’s Code katuwang sina Ms. Maren Dela-Cruz Baet at Ms. Ressurrection Gareza mula sa Break the Silence National Network.
Layunin din ng aktibidad na ito bumuo at mag-adapt ng iba’t ibang programang tutugon at poprotekta sa karapatan at kakayahan ng CSWD, Gender And Development Office (GAD), at Liga ng mga Barangay.