Tulong pinansyal para sa mga magsasakang naapektuhan ng Volcanic Smog

Tulong pinansyal para sa mga magsasakang naapektuhan ng Volcanic Smog, tagumpay na naipamahagi ngayong umaga!
Sa patuloy na pakikipagtulungan ng ating Punong Lungsod Sonny Perez Collantes katuwang ang City Agriculturist Office sa iba’t ibang ahensya ng Pamahalaang Nasyunal, nabigyan ng tulong handog ang 19 magsasaka na labis na naapektuhan dulot ng natural na kalamidad katulad ng Volcanic Smog.
Naging bahagi rin nito sina Office of the City Agriculturist Head Mr. Sherwin Rimas, Executive Assistant Angel Atienza at Ms. Princess Mundia bilang Focal Person ng Philippine Crop Insurance Corporation. Ang naturang pamamahagi ay paunang bahagi para sa lahat ng apektadong mga magsasaka sa Lungsod.
Samantala, sa mga kababayan nating magsasaka na nais magkaroon ng insurance mula sa ating Pamahalaang Lungsod mangyaring tumungo lamang sa nasabing tanggapan (Office of the City Agriculturist) para sa inyong mga kakailanganing dokumento.
By: Fash
Previous Mayor Sonny Perez Collantes, ginawaran ng medalya ang isang kawaning 30 taon ng nasa serbisyo!

Leave Your Comment

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved