Seminar Workshops para sa iba’t ibang Kooperatiba, patuloy na isinasagawa ng Pamahalaang Lungsod!
Bilang bahagi ng pagpapalakas ng mga kooperatiba dito sa Lungsod, patuloy ang pagpapaabot ng tulong ng ating Pamahalaang Lungsod sa pangunguna ni Mayor Sonny Perez Collantes, katuwang ang City Cooperatives and Livelihood Development Office (Ccldo Tanauan) ng seminar workshop tulad ng 2-Day Formulation of a Medium Term Development Plan for Tanauan Cooperatives na dinaluhan ng mga cooperative managers mula sa iba’t ibang bahagi ng Lungsod nitong ika-06 at 07 ng Oktubre.
Kabilang sa nagbahagi ng kaalaman at kasanayan sa naturang aktibidad ay si Mr. Jose Alilio, na isang trainer- consultant mula sa Batangas City at CCLDO head Ms. May Teresita Fidelino.
Sa tulong ng seminar workshop na ito ay nakapagbuo rin Vision, Mission, Core Values, Goals, Objectives, Strategic at Tactical Plan ang bawat clusters ng kooperatiba na kinabibilangan ng marketing, agricultural, water services, credit services at multi-purpose.