Student’s Program Completion ng 101 estudyanteng Tanaueño sa ilalim ng Special Program In Foreign Language: Chinese Mandarin, tagumpay ngayong araw!
Tagumpay na ginanap ngayong araw ang pagtatapos ng 101 na mag-aaral na Tanaueñong bahagi ng Special Program In Foreign Language: Chinese Mandarin ng DepEd-Tanauan.
Ang naturang aktibidad ay dinaluhan ni Chief of Staff Mr. Elmer Perez na kumatawan sa ating Mayor Sonny Perez Collantes upang ipaabot ang mensahe ng pagbati para sa ating mga mag-aaral at pagpapasalamat sa mga gurong naging bahagi at nagbuhos ng kanilang kakayahan para sa nasabing programa, sa pangunguna nina Education Program Supervisor for English Dr. Victoria Burgos at Tanauan City Integrated Highschool Principal Mrs. Josephine Magpantay.
Kabilang din sa nakiisa sina Schools Division Supirintendent OIC Assistant Ms. Rhina Ilagan, Schools Division Supirintendent OIC Mr. Rogelio Opulencia, Vice Mayor Atty. Jun-jun Trinidad, Chair Committee on Education and Culture Kon. Czylene Marqueses, Kon. Herman De Sagun, Kon. Eugene Yson at Cao Tanauan head Mr. Edison Jallores.
Mula sa buong pamunuan ng Pamahalaang Lungsod ng Tanauan sa pangunguna ni Mayor Sonny Perez Collantes, Gōngxǐ,tanauan de xuéshēng (恭喜,Tanauan 的学生) o Taos pusong pagbati sa ating mga mag-aaral na Tanaueño!