Tree Planting Activity, puspusang isinusulong sa Lungsod ng Tanauan!
Sa kagustuhan ng ating Mayor Sonny Perez Collantes na patuloy na mapangalaagaan ang sa kalikasan sa Lungsod ay nagsagawa ng Tree Planting Activity ang Pamahalaang Lungsod ng Tanauan sa pamamaitan ng Tanggapan ng Panlungsod na Agrikultor.
Dinaluhan ito ng 100 na magsasaka mula sa Barangay San Jose, Maugat, Luyos, Montaña, Sulpoc, Altura Bata, Altura Matanda, Altura South, Cale at Bilog Bilog. Bukod sa pangangalaga sa kalikasan, layunin din ng aktibidad na ito na makapagtayo ng Technology Demonstration Area para sa mga Philippine Local Fruit Trees.
Nakiisa at nagpakita ng suporta sa aktibidad na ito ang ilan sa mga kapitan, Chair Committee on Agriculture Kon. Herman De Sagun at Gng. Melissa Malabanan na kinatawan ni Vice Mayor Atty. Junjun Trinidad Jr.