Mga Senior Citizens sa ating Lungsod, ibinida ang yaman ng kultura ng Tanauan sa 1st Seniors Hope Expo!

Mga Senior Citizens sa ating Lungsod, ibinida ang yaman ng kultura ng Tanauan sa 1st Seniors Hope Expo!
Ginanap noong sabado, ika-01 ng Oktubre ang kauna-unahang 1st Seniors Hope Expo sa San Jose, Batangas na layong maipakita sa buong mundo na hindi hadlang ang katandaan para maging isang produktibong mamamayan sa ating komunidad.
Ang nasabing aktibidad ay nilahukan ng 18 na mga bayan sa ating lalawigan kabilang ang mga Senior Citizen ng ating Lungsod kung saan kanilang ibinahagi ang produktong likha ng ating mga kababayan. Dito, binigyan din ng pagkakataon ang ating mga Lolo at Lola na maipamalas ang kanilang natatanging talento sa pag-awit at pagtatanghal ng ating kultural na sayaw.
Samantala, kabilang ito sa mga adhikain ni Mayor Sonny Perez Collantes na patuloy na susuportahan ang kanilang mga programa bilang pangangalaga at pagpapahalaga sa kanilang sektor.
Previous Nanaig ang husay ng Tanauan City Baseball Team Junior Division laban sa koponan ng Samurai Baseball Team sa score na 8-4.

Leave Your Comment

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved