Mayor Sonny Perez Collantes, nakibahagi sa pagdiriwang ng Family Day Celebration

Mayor Sonny Perez Collantes, nakibahagi sa pagdiriwang ng Family Day Celebration
Naimbitahan nitong sabado, ika- 1 ng Oktobre ang ating Punong Lungsod Sonny Perez Collantes ng The Church of Jesus Christ of Latter – Day Saints para sa pagdiriwang ng Family Day Celebration.
Layon ng programa na patatagin ang samahan at pagmamahalan ng bawat pamilya sa mundo sa pamamagitan ng panalangin upang humiling ng gabay at pagpapala sa ating mahal na panginoon.
Nagsilbi naman bilang taga-pagsalita ang ating butihing Mayor kung saan kaniyang pinuri ang pambihirang pagkakataon para magsama-sama upang ipaalala sa bawat dumalo ang malaking kontribusyon ng pamilya at panginoon sa ating mga buhay. Nabanggit niya rin na ang pamilyang nagtutulungan sa anumang oras ay simbolo ng isang maunlad at nagkakaisang komunidad.
Previous SPORTS | Tanauan City Baseball Team, pasok sa Championship Game matapos magwagi sa Minor Division!

Leave Your Comment

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved