TINGNAN | Serbisyong Publiko Caravan, umarangkada na sa Brgy. Ambulong!

TINGNAN | Serbisyong Publiko Caravan, umarangkada na sa Brgy. Ambulong!
Umarangkada na kaninang umaga ang Serbisyong Publiko Caravan na bahagi ng programa ni Mayor Sonny Perez Collantes upang ibaba ang serbisyo ng Pamahalaang Lungsod sa bawat Barangay.
Sa pangunguna ng ating Punong Lungsod katuwang ang iba’t ibang tanggapan, tagumpay na naibaba ang serbisyo ng Pamahalaang Lungsod sa Barangay Ambulong.
Bahagi rin nito ang Feeding Program sa Ambulong Elementary School kung saan namahagi ng Free Snacks sa mga Kinder hanggang Grade 6 na mga mag-aaral.
Present naman sa venue sina Atty. Cristine Collantes, Congresswoman Ma. Theresa “Maitet” V. Collantes, Kon. Sam Torres Aquino Bengzon, Kon. Kristel Guelos, Kap. Liza Panganiban at Kon. Eugene Yson.
Matatandaang bahagi ito ng mga programa ni Mayor Sonny Perez Collantes noong nakaraang kampanya upang iparamdam sa bawat Tanaueño na serbisyo na mismo ang lalapit sa bawat mamamayan.
Samantala, manatiling nakaantabay lamang sa mga anunsyo para sa susunod na dadayuhing Barangay ng “Serbisyo Publiko Caravan”
Previous GOOD NEWS | Tanauan City’s Pride El Gamma Penumbra, itinanghal bilang World Class Performer of the Year!

Leave Your Comment

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved