Regular na pagpupulong ng Liga ng mga Barangay, tagumpay na idinaos ngayong araw!

Regular na pagpupulong ng Liga ng mga Barangay, tagumpay na idinaos ngayong araw!
Tagumpay na isinagawa ngayong araw ang regular na pagpupulong ng Liga ng mga Barangay sa Mayor’s Theatre Room na pinangunahan ni ABC Vice President Precious Agojo kasama ang ating City Administrator Wilfredo Ablao na kumatawan sa ating Punong Lungsod Sonny Perez Collantes.
Bahagi ng napag-usapan ang imbitasyon ng City Planning Development Office (CPDO) upang hikayatin ang mga kapitan na dumalo sa gaganaping City Development Council meeting bukas. Ipinaabot din ng City Environment and Natural Resources Office (CENRO) na paalalahanan ang kanilang nasasakupan ukol sa nakatalagang schedule ng pangongolekta ng mga basura sa bawat Barangay.
Ipinaalala naman ni Kapitana Precious na paghandaan ang dadaluhang lektura sa Bacolod City bilang bahagi ng pagkalap nila ng mga kaalaman hinggil sa wastong pamamahala sa kanilang mga Barangay.
Previous LOOK | Mayor Sonny Perez Collantes, kasalukuyang nagmo-monitor ng sitwasyon sa lungsod!

Leave Your Comment

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved