Binisita ni Tanauan City Womenโs Coordinating Council President Atty Cristine Collantes ang mga kababaihan ng Brgy. Ulango nitong Huwebes, ika-26 ng Hulyo para sa isang ๐๐ฒ๐ป๐ฑ๐ฒ๐ฟ ๐ฅ๐ฒ๐๐ฝ๐ผ๐ป๐๐ถ๐๐ฒ ๐๐ผ๐ป๐๐๐น๐๐ฎ๐๐ถ๐๐ฒ ๐๐ถ๐ฎ๐น๐ผ๐ด๐๐ฒ katuwang ang Gad Tanauan sa pamumuno ni Ms. Vicky Javier.
Kaugnay rito, naisagawa rin ang SWOT Analysis sa pamamagitan ng paggabay ng GAD Tanauan upang malaman ang kasalukuyang estado ng kababaihan at angkop na hanapbuhay sa nasabing barangay katuwang ang Sangguniang Barangay ng Ulango sa pamumuno ni Kapitana Barbie Oruga.
Ito ay alinsunod sa Executive Order No. 11 s, 2022 na inisyatibo ni Mayor Sonny Perez Collantes upang bigyang-kaalaman ang mga kababaihan patungkol sa malawakang implementasyon ng GAD-related laws at mga programa para sa kanilang sektor.
Malugod na ibinahagi at idinulog ng mga kababaihan kay Atty. Cristine ang ibaโt ibang pangunahing kabuhayan sa kanilang komunidad kabilang na ang bigasan, itlugan, catering services, gulayan sa bakuran, pagtatahi at dishwashing liquid making.