Opening of Produktong Tanauan, Pasalubong atbp. Center

Produktong Tanauan, Pasalubong atbp. Center, pormal nang binuksan ngayong araw!

Ngayong araw, pinangunahan ni Mayor Sonny Perez Collantes katuwang ang City Cooperative and Livelihood Development Office sa pamumuno ni Ms. May Fidelino ang Opening at Ribbon Cutting Ceremony ng Produktong Tanauan, Pasalubong atbp. Center na matatagpuan sa Ground Floor ng Victory Mall Tanauan.

Sa mensahe ni Mayor Sonny, kaniyang inihayag ang maigting na suporta para sa ating mga MSMEs, ayon sa kaniya isa lamang ang proyektong ito para sa patuloy na pag-unlad ng mga maliliit na negosyante sa ating Lungsod. Hakbang din umano ito ng Pamahalaang Lungsod upang maipakilala ang mga ipinagmamalaking Lokal na produkto at pagkain sa Tanauan.

Samantala, nakiisa at naging bahagi rin nito sina Mr. Marco Amurao bilang kinatawan ng ating City Administrator Mr. Wilfredo Dodong Ablao, DTI Batangas Provincial Director Ms. Leila M. Cabreros at ang pamunuan ng Victory Mall and Market Tanauan.

Previous Donasyong CT Scan Machine para sa mga Tanaueño

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved