𝐓𝐫𝐚𝐢𝐧𝐢𝐧𝐠 𝐨𝐧 𝐂𝐚𝐜𝐚𝐨 𝐏𝐞𝐬𝐭 𝐚𝐧𝐝 𝐃𝐢𝐬𝐞𝐚𝐬𝐞 𝐌𝐚𝐧𝐚𝐠𝐞𝐦𝐞𝐧𝐭 𝐚𝐭 𝐁𝐫𝐞𝐞𝐝𝐢𝐧𝐠 𝐨𝐧 𝐎𝐫𝐧𝐚𝐦𝐞𝐧𝐭𝐚𝐥 𝐅𝐢𝐬𝐡 𝐁𝐫𝐞𝐞𝐝𝐢𝐧𝐠 𝐩𝐚𝐫𝐚 𝐬𝐚 𝐦𝐠𝐚 𝐌𝐚𝐠𝐬𝐚𝐬𝐚𝐤𝐚 𝐚𝐭 𝐌𝐚𝐧𝐠𝐢𝐧𝐠𝐢𝐬𝐝𝐚 𝐧𝐠 𝐋𝐮𝐧𝐠𝐬𝐨𝐝!
Para sa mas mahusay na paghahatid ng mga programa sa sektor ng Agrikultura at Pangisdaan. Patuloy ang ibinibigay suporta ng ating Punong Lungsod Sonny Perez Collantes katuwang ang City Agriculturist Office upang lumawak ang kanilang kaalaman sa iba’t ibang aspeto ng pagsasaka.

Ngayong araw kasabay ng Selebrasyon ng Agriculture Week, tinatayang nasa 70 mga magsasaka ang sumailalim sa mga pagsasanay patungkol sa Cacao Pest and Disease Management at Ornamental Fish Breeding.
Kabilang sa mga dumalo ang Tanauan City Cacao Growers Association at Batangas Ornamental Fish Breeders Association sa Barangay San Jose.