Bagong School Building para sa Ulango Integrated High School, ipinaabot ni Mayor Sonny Perez Collantes!

Alinsunod sa maigting na suporta sa sektor ng Edukasyon, pinangunahan ngayong araw ni Mayor Sonny Perez Collantes ang matagumpay na blessing and turn over ng bagong school building para sa Ulango Integrated High School ngayong araw.

Ang ๐“๐ฐ๐จ-๐ฌ๐ญ๐จ๐ซ๐ž๐ฒ, ๐“๐ž๐ง ๐œ๐ฅ๐š๐ฌ๐ฌ๐ซ๐จ๐จ๐ฆ๐ฌ ay isa sa school buildings na kasalukuyang ipinatatayo sa Lungsod ng Tanauan mula sa inisyatibo ni Mayor Sonny sa pamamagitan ng Special Education Fund na layong bigyan ng maayos na pasilidad ang ating mga mag-aaral na Tanaueรฑo.

Samantala, kabilang din sa nakiisa sa nasabing aktibidad sina Congresswoman Ma. Theresa “Maitet” V. Collantes, SK Federation President Ephraigme Bilog, Barangay Ulango Captain Barbara Oruga, dating kapitan Tirso Oruga, Assistant School Division Superintendent Dr. John Carlo Paeta, Ulango IHS – Principal III Ms. Nancy Maralit, PTA President Maricel Evangelista kasama ang mga mag-aaral, guro at mga kawani ng nasabing paaralan.

Previous Binibining Tanauan 2024 Orientation Workshop & Team Building Activity

TANAUAN CITY GOVERMENTยฉ 2022 All Rights Reserved