Pamaskong Regalo para sa Bahay Pag-asa at Bahay Kanlungan

Bilang pagsisimula ng taong 2024, personal na ipinaabot ni TCWCC President Atty. Cristine Collantes bilang kinatawan ni Mayor Sonny Perez Collantes ang mga pamaskong regalo para sa mga Kabataan na kasalukuyang nasa ilalim ng pangangalaga ng Bahay Pag-asa at Bahay Kanlungan.
Kabilang sa mga inihatid ni Atty. Cristine kasama rin si Poblacion 4 Kap. Anto Gonzales ay mga bagong damit, school supplies at educational materials para sa bawat bata.

Pamamaraan ito ng Pamilya Collantes katuwang ang Tanauan CSWD na maiparamdam ang diwa ng Kapaskuhan sa mga Kabataan kasalukuyang kinakalinga ng ating lokal na pamahalaan.

Previous 2024 Business One-Stop Shop (BOSS) sa Lungsod ng Tanauan, sinimulan na!

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved